Ayon kay Flores, sampung armadong kalalakihan ang nagbi-biyahe sa limang tricycle na naglululan din ng mga troso ang kanilang namataan, ngunit nagpulasan nang kanilang komprontahin.
Kalaunan ay nadiskubre nila ang dalawang truck na puno ng mga troso na inabandona na sa tabi ng kalsada.
Nagsagawa na ng imbentaryo ng mga kontrabando ang nasabing grupo.
Hindi naman nakipag-ugnayan sa mga pulis at militar si Flores para sa nasabing operasyon.
Dahil dito, nagkaroon ng usap-usapan na napatay si Flores sa isang ambush, na nakarating rin kay Bulacan police director Senior Supt. Romeo Caramat Jr.