Teenager kinasuhan ng manslaughter matapos mabaril ang kaklase sa Alabama

Sinampahan na ng kasong manslaughter at illegal possession of fireatms ang isang teenager sa Alabama matapos mamaril sa loob ng classroom na ikinasawi ng kapwa niya high school student sa Birmingham.

Nakilala ang suspek na si Michael Jerome Barber, na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa pagkamatay ni Courtlin Arrington.

Parehong nasa loob ng silid-aralan sa Huffman High School ang dalawang 17-anyos nang mangyari ang insidente araw ng Miyerkules sa Alabama.

Sa unang assessment ng mga otoridad, sinabi nilang posibleng aksidente lamang ang nangyari.

Gayunman, pinanood nila ang mga videos, at saka tuluyang nagsampa ng kaso laban kay Barber.

May mga metal detectors naman ang pamahalaan ngunit hindi ito pinagana noong araw na iyon.

Hindi naman ipinaliwanag ng pamunuan ng paaralan kung bakit hindi gumagana ang metal detectors nang mangyari ang insidente.

Read more...