Rep. Vilma Santos, ramdam ang tensyon nang maupo sa pagitan nina CJ Sereno at Justice De Castro

PDI Photo / Grig Montegrande

Ramdam na ramdam ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang tensyon nang maumupo siya sa pagitan nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita de Castro sa isang event sa Manila Hotel noong Huwebes.

Ayon sa mambabatas ramdam niya ang tensyon sa buong function hall kung saan ginawa ang convention ng Philippine Women Judges Association.

Sa kanyang speech inungkat ni Sereno ang kinakaharap niyang impeachment at sinabi na lalabanan niya ito.

Matapos magsalita ang Punong Mahistrado, tumayo naman si de Castro na humingi ng paumanhin sa audience dahil hindi umano dapat tinalakay ni Sereno ang kaso na maituturing na subjudice.

Si Santos na dapat na susunod na magsasalita pero naunahan siya ni de Castro na pumunta sa podium.

Ang tensyon umano ang dahilan kung bakit ang unang nasambit niya ay “hindi ako makahinga”.

Ninais umano ni ate Vi na pagaanin ang sitwasyon kaya sinabi niya: “Let’s just stay fabulous” na pinalakpakan naman ng audience.

Bago matapos ang event ay nagkaroon ng pagkakataon si ate Vi na yakapin si Sereno at sinabihan umano niya ito na magdarasal siya para sa punong mahistrado.

Nangako si ate Vi na pag-aaralang mabuti ang committee report ng impeachment complaint kay Sereno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...