Fund drive para sa mga naapektuhang manggagawa ng nasunog na UP Shopping Center, inilunsad

Naglunsad ng fund drive ang iba’t ibang grupo sa University of the Philippines (UP) para matulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho matapos ang sunog sa UP Shopping Center.

Ang Office of the Student Regent ng UP System, hinikayat ang publiko na mag-donate ng cash o ‘di kaya ay pagkain para sa mga naapektuhang trabahador.

Anumang donasyon ay maaring dalhin sa AS Lobby at sa CAL Pavillion ng UP Diliman campus ayon sa abiso.

Para naman sa cash donations, maaring ihulog ang halaga sa Land Bank account na nakapangalanan kay Ma. Shari Niña G. Oliquino na may account number na 3077-1147-25.

Ang UP Engineering Student Council ay tumatanggap din ng cash at food donations sa kanilang UP ESC Office, Room 123, Melchor Hall sa College of Engineering.

Samantala sa March 15, isang solidarity night na may temang “Tulong Sulong: Para sa Shopping Center” ang isasagawa sa Catch 272 sa T. Gener, Kamuning, Quezon City, mula alas 9:00 ng gabi hanggang ala 1:00 ng madaling araw.

Walang entrance fee sa event pero ang lahat ng pupunta ay hinihikayat na mag-donate ng anomang halaga.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...