Sa abiso ng DPWH, apektado ng repair ang ilang mga lansangan sa Quezon City at sa Taguig City na sisimulan alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, March 9.
Narito ang mga maaapetuhang kalsada sa Quezon City:
(Northbound)
- Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane
- Congressional Avenue Extension sa pagitan ng Tandang Sora Avenue hanggang Visayas Avenue, 3rd lane
- EDSA sa pagitan ng Oliveros St. at Balintawak LRT Station, 5th lane
- Congressional Avenue sa pagitan ng Cagayan St. at Culiat Bridge IV, 1st lane
- Bonifacio Avenue mula Mariveles St. hanggang Iriga St., outerlane
- Visayas Avenue sa harap ng PTV 4, outerlane
- Bonifacio Avenue mula N. Zamora St. hanggang Del Monte St., middle lane
(Southbound)
- Bonifacio Avenue crossing Sgt. Rivera, middle lane
Sa Taguig City naman apektado ang bahagi ng C-5 southbound.
Tiniyak naman ng DPWH na sa Lunes, March 12, alas 5:00 ng umaga ay mabubuksan na sa mga motorista ang mga apektadong kalsada.
MOST READ
LATEST STORIES