Dating mayor ng Jasaan, Misamis Oriental, kinasuhan ng graft sa Ombudsman

Nahaharap sa kaso ang dating alkalde ng Jasaan, Misamis Oriental at asawa nito dahil sa umano’y paglabag sa anti-graft law.

Ayon sa resolusyon ng Office of the Ombudsman, mahaharap sa dalawang kaso ng graft sina Mayor Grace Jardin at asawang si dating municipal administrator Redentor Jardin.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, ginamit umano ng mag-asawang Jardin ang 1.5 million pesos na pondo ng pamahalaan para i-develop ang kanilang sariling lupain sa pamamagitan ng proyekto ng gubyerno.

Ayon sa Ombudsman, ang naturang pondo ay dapat sanang nakalaan sa implementasyon ng isang demo farm at eco-tourism park projects sa dalawang barangay na inaprubahan ng municipal council noong 2015.

Ayon pa sa Ombudsman, nagkaroon umano ng direktang interes sa perang ginamit sa kontrata ang dalawang dating opisyal ng Jasaan, Misamis Oriental.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...