Tinukoy ni DENR Secretary Roy Cimatu ang mga sikat na tourism sites sa bansa na inaasahan nang magkaroon ng tambak na basura dahil sa pagdagsa ng mga magbabakasyon ngayong summer.
Panawagan pa ni Cimatu sa mga turista, lokal man o dayuhan, na maging responsable sa kanilang mga basura at iwasan ang pagkakalat, lalo pa sa mga dalampasigan at iba pang katubigan.
Hindi na raw tamang mangyari rin sa ibang pang tourist spots ang nangyari sa Boracay Island na nasira dahil sa matinding polusyon.
Dahil dito, hindi pa man nagsisimula ang summer season, nakikiusap na si Cimatu ang mga local officials na mahigpit na bantayan ang waste disposal sa kanilang nasasakupan.