3 patay sa aksidente sangkot ang bus at motorsiklo sa San Pablo, Laguna

Photo Credit: Reynaldo De Guzman

Patay ang tatlong katao makaraang masalpok ng isang pampasaherong bus ang isang motorsiklo sa San Pablo City Laguna.

Naganap ang aksidente Biyernes ng umaga sa kahabaan ng Maharlika Highway malapit lamang sa barangay hall ng Barangay San Nicolas.

Nabangga ng bus ng P & O Transport Corporation ang motorsiklo na halos pumailalim sa unahang bahagi nito.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang tatlong sakay ng motorsiklo na agad nilang ikinasawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...