Ombudsman nagsampa ng panibagong kaso laban kay dating VP Binay at anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay

Radyo Inquirer File Photo

Panibagong mga kaso ang isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay.

Ang four counts ng graft at tatlong counts ng falsification na isinampa laban sa mag-amang Binay ay kaugnay ng maanomalyang pagpapatayo ng Makati Science High School Building na nagkakahalagang 1.3 billion pesos noong kanilang termino bilang alkalde ng lungsod.

Matatandaang ibinunyag noon ng dating kaalyado ng mga Binay na si Renato Bondal na overpriced umano ang nasabing gusali ng aabot sa 862 million pesos.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...