Pinsan ni Honeylet Avanceña na sinibak sa PCUP, itinalaga sa HUDCC ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Melissa Avanceña Aradanas bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Ang appointment letter kay Aradanas sa HUDCC ay nilagdaan ng pangulo noong March 7, 2018.

Papalitan ni Aradanas ang pwestong binakante ni Patrocinio Jude Esguerra III.

Magugunitang si Aradanas ay sinibak noon ng Malakanyang bilang commissioner ng Presidential Commission fir the Urban Poor kasama ang iba pang commissioner at kanilang chairman na si Terry Ridon.

Si Pangulong Duterte din ang nagsabi na si Aradanas ay pinsan ng kaniyang partner na si Avanceña.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...