Sinabi ni Joint Task Force Central spokesman at CMO Mindanao Regiment commander, Col. Gerry Besana, unang nakasagupa ng mga tauhan ng 2nd Mechanized Battalion Philippine Army ang 50 BIFF sa pamumuno ni Kumander Peni sa Barangay Lower Salbo at Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan.
Dalawang MG-520 attack helicopters at isang fighter jet pa ng Philippine Air Force ang tumulong at nagbagksak ng bomba sa mga kalaban.
Pawang miyembro ng BIFF ang 19 na asawi at 22 sugatan.
Habang nasugatan din sa nasabing engkwentro si Pfc. Reinier Molato makaraang magtamo ng tama ng bala sa kanyang braso.
Ayon naman kay Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Kumander Abu Misry Mama totoong marami ang nasawi at nasugatan sa kanilang panig.
Sa Barangay Pagatin naman sa bayan ng Datu Salibo, sinalakay din ng BIFF ang isang detachment ng militar.
Pinaputukan din ng BIFF ang Maguindanao Police Provincial Office at detachment ng militar sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.