Pinoy seafarer patay sa pagsabog ng sinasakyang towing vessel sa UAE

Patay ang isang Pinoy makaraang sumabog at masunog ang sinasakyan na towing vessel sa karagatang sakop ng Fujairah sa United Arab Emirates.

Ang Pinoy ay nakilalang si Carlos Buenaventura Tumbaga Jr.

Naganap ang insidente Biyernes (March 9) ng umaga 750 meters ang layo sa Fujairah Port.

Sa ulat ng Gulf News, patungo sa India at galing Ajman ang barko sakay ang walong crew na kinabibilangan ng anim na Pinoy at dalawang Indian.

Dinala na sa Fujairah Hospital’s mortuary ang mga labi ng Pinoy. Nasugatan naman ang isa pang Pinoy at isang Indian na crew ng barko.

Ayon kay Philippine Labour Attache Felicitas Bay, nakapagpadala na sila ng brief report dito sa Pilipinas hinggil sa nangyari.

Sinabi naman ni Consul General Raymond Cortes na inaasikaso na nila ang repatriation ng mga labi ni Tumbaga.

Ang agency aniya at ang kumpanyang may-ari ng barko ang gagastos sa pagpapauwi sa mga labi ng Pinoy.

 

 

 

 

Read more...