Ito’y para matiyak na hindi makakalusot ang mga terorista lalo pa’t nalalapit na ngayon ang Semana Santa.
Ayon kay PNP Aviation Security Group Director, Police Chief Supt Dionardo Carlos mayroong 86 na paliparan sa buong bansa.
Partikular aniyang tinututukan nila ang 12 mga international airports na nasa Laoag, Clark Pampanga, NAIA, Cebu Iloilo, Cagayan, Caticlan, Puerto Princesa, General Santos City, Davao at Zamboanga.
Kasabay ng pagdedeploy sa mga paliparan tiniyak rin ni Carlos na may sapat na pagsasanay ang kanyang mga tauhan para rumesponde sakaling magkaroon ng kaguluhan.
Una nang sinabi ng PNP na wala pa silng namo-monitor na banta malapit na ang Holy Week.
Gayunman, nananatili pa rin sila sa full alert sa Metro Manila dahil na rin sa mga posibleng pag-atake ng mga masasamang loob.
Magagunitang kamakailan lang din ay naaresto ang isang subleader ng Maute na si Nasser Lomondot.