Pulong kay North Korean leader Kim Jong-un pinaplano na ayon kay President Trump

Radyo Inquirer

Kinumpirma ni US President Donald Trump na pinaplano na ang pakikipagpulong niya kay North Korean leader Kim Jong-un.

Ito ay makaraang ianunsyo ng national secrutiy adviser ng South Korea na pumayag su Trump na sila ay magkaharap ni Kim sa buwan ng Mayo.

Ilang minuto matapos ang anunsyo ng South Korea, nag-post ng pahayag si Trump sa kaniyang twitter.

Ani Trump, nagpahayag si Kim ng kahandaan sa denuclearization sa pulong niya sa mga kinatawan ng South Korea.

Maging ang missile testing ay hindi aniya isinasagawa ng Pyongyang.

Sa kabila ng mga development, sinabi ni Trump na mananatili muna ang sanctions laban sa NoKor hangga’t hindi nakabubuo ng kasunduan.

Pero tiniyak ng US president na pinaplantsa na ang pagpupulong niya kay Kim.

 

 

 

 

 

 

Read more...