Mga tauhan ng Bureau of Immigration sasailalim sa pagsasanay ng US Homeland Security

BI Photo

Nagpahayag ng pagsuporta ang pamahalaan ng Estados Unidos sa Bureau of Immigration para sa anti-terrorism campaign nito.

Ayon sa BI, personal na nakipagpulong kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at BI Commissioner Jaime Morente si US Department of Homeland Security Undersecretary for Intelligence and Analysis David Glawe upang ipaabot ang pagtulong ng US.

Magkakaroon anila ng training ang BI sa ilalim ng Homeland Security at palitan ng intelligence information may kinalaman sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga hinihinalang terorista.

Napagkasunduan sa pulong nina Aguirre at Glawe na magkakaroon ng kooperasyon ang Pilipinas at US sa mga counter-terrorism tulad ng advanced passenger information sharing, intelligence sharing at ang pagbabahagi ng database may kaugnayan sa mga blacklisted at mga watchlisted terrorists.

Sasailalim din ang mga tauhan ng BI sa biometric screening, fraudulent document training, and internet/social media monitoring mula sa US government.

Positibo naman para kay Justice Secretary Aguirre ang pahayag na ito ng pamahalaan ng Amerika para sa pagpapalakas ng kapabilidad at maging epektibo ang Pilipinas sa global war nito laban sa terorismo.

Iginiit ng kalihim na dahil nangangailangan ang war against terror ng multi-faceted at multi-pronged approach magkakaroon ang pamahalaan ng close coordination sa mga kaalyadong bansa upang mapukasa ng mga terorista.

Sinabi naman ni Immigration Commissioner Morente na maliban sa US ay patuloy pa ring nakatatanggap ng training may kaugnayan sa anti-terrorism at document fraud detection ang mga tauhan ng BI mula sa Australian government.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...