6 na NPA members na sumuko sa pamahalaan, nakatanggap na ng financial assistance sa Bukidnon

Photo from Philippine Army

Natanggap na ng 6 na dating myembro ng New People’s Army ang financial assitance na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalan sa Bukidnon kahapon.

Photo from Philippine Army

Ang dating mga rebelde ay kabilang sa huling batch ng mga CPP-NPA na inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang kamakailan.

Sa ulat ng 403rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nakinabang ang 6 sa Comprehensive Local Integration Program o CLIP kung saan binigyan sila bawat isa ng kabuuang P65,000 na livelihood at immediate assistance.

Bukod dito, binigyan din sila ng P115,000 kapalit ng mga armas na isinuko nila.

Nagpasalamat ang mga dating rebelde at nangako na magbabagong buhay.

Samantala, nanawagan naman ang mga militar sa mga natitirang rebelde sa Bukidnon na sumuko na rin at makipagtulungan sa pamahalaan.

Nabatid na sa loob lamang ng 2 buwan ay pumalo na sa 2,263 ang bilang ng mga miyembro at taga suporta ng NPA na sumusuko sa pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...