US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un maghaharap sa Mayo

AP photo

Makikipagkita si United States President Donald Trump kay North Korean Leader Kim Jong-un.

Sa anunsyo ng national security adviser ng South Korea, si Kim ang nag-imbita kay Trump para sa pagpupulong at sinabi ni Trump na payag siyang makaharap si Kim sa Mayo.

Kamakailan nagtungo sa Pyongyang ang matataas na opisyal ng South Korea at sa pakikipagpulong kaky Kim, sinabi ng North Korean leader na handa siyang talakayin ang denuclearization.

Nagpahayag din umano si Kim ng kagustuhang makaharap si Trump sa lalong madaling panahon.

At nang iparating ito ng South Korea kay Trump, sinabi ng US president na makikipagkita siya kay Kim sa Mayo sa layong makamit ang permanenteng denuclearization.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...