21 arestado sa anti-criminality operation sa Navotas

Aabot sa 21 katao ang pinagdadampot sa isinagawang anti-criminality operation sa Navotas City.

Sa nasabing bilang, aabot sa 11 ang naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga.

Sinabi ni Senior Supt. Brent Madjaco, acting chief ng Navotas police, may mga nahuli din na kabilang sa kanilang drug watchlist.

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng shabu na aabot sa P4,000 ang halaga.

Ang mga nahulihan ng shabu ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...