2 arestado, 2 nakatakas sa maghiwalay na buy-bust operation sa Quezon City

Kuha ni Justinne Punsalang

Balik-kulungan na naman ang isang lalaki matapos maaresto dahil sa pagtutulak ng droga sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Albert Patelo na residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City pa rin.

Nakuha mula sa suspek ang walong maliliit na sachet ng hinihinalang shabu.

Depensa ni Patelo, hindi naman talaga siya tulak ng droga ngunit isa lamang runner. Aniya pa, napag-uutusan lamang siya ng kanyang mga kaibigan.

Ayon kay Barangay San Martin de Porres, Kagawad Mar Castillo, notorious na tulak ng droga sa lugar si Patelo maging ang kanyang mga kaibigan at laging sa nasabing barangay nagbababa ng mga shabu ang mga ito.

Ayon naman kay Quezon City Police District (QCPD) Station 7 chief, Superintendent Luis Tremor, napag-alaman nilang miyembro ng Bahala na Gang si Patelo. Dalawang beses na ring nakulong ang suspek dahil sa kasong may kaugnayan sailigal na droga at pagnanakaw.

Sa kasamaang palad, matapos ang transaksyon ay nakatakas ang dalawang kasama ni Patelo.

Samantala, arestado naman sa isa pang buy bust operation si Bernabe Amante alyas Igrot, 25 taong gulang na residente ng Project 4 sa Quezon City.

Ayon sa mga otoridad, matagal na nilang binabantayan si Amante dahil nasa drugs watch list ito ng Quezon City Police District (QCPD) Station 8.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap si ang dalawang arestadong drug pusher sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang dalawa pang kasamahan ni Patelo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...