Oplan Balik Disiplina isinagawa sa QC, 46 katao ang naaresto

Aabot sa 46 na katao ang naaresto sa isinagawang Oplan Balik Disiplina ng Quezon City Police Distict (QCPD) Masambong Police Office.

Ginalugad ng mga otoridad ang iba’t ibang barangay na sakop ng kanilang himpilan at mula sa Barangay Bagong Pag-asa ay naaresto nila ang 25 nag-iinom sa kalye, kabilang ang isang babae.

13 namang puro kalalakihan ang naaresto mula sa Barangay Vasra, at 4 sa Barangay Del Monte na pare-parehong nahuling naglalasing sa kalsada.

Kinumpiska ng mga otoridad ang mga alak ng mga nag-iinom.

Lahat ng mga nahuli ay pinauwi na, ngunit sasampahan pa rin sila ng reklamong paglabag sa city ordinance.

Samantala, dalawang menor de edad naman ang nahuling nasa kalye bagaman kasalukuyan nang ipinapatupad ang curfew.

Dalawa rin ang naaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest. Isa ay may kasong pagnanakaw, habang ang isa naman ay may reklamong physical injury at unjust vixation.

Kapwa na sila nakakulong sa detention facility ng QCPD Station 2.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...