Surigao Del Norte at Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Burgos sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Naitala ang pagyanig sa 25 kilometers north ng bayan ng Burgos alas 2:06 ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 32 kilometers.

Samantala, alas 12:32 ng madaling araw, tumama naman ang magnitude 3.0 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.

May lalim naman na 4 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

Read more...