Ngayong araw, maagang nakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Simula pasado alas 3:00 ng madaling araw may mga inilabas nang thunderstorm advisory ang PAGASA at sinabing apektado ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang probinsya.
Sa panibagong advisory ng PAGASA na inilabas alas 5:38 ng umaga, patuloy pa ring inuulan ang Metro Manila, Laguna, at Quezon.
Habang nakararanas din ng hanggang katamtamang pag-ulan ang Cavite, Batangas at Bulacan.
Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng Amihan ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at ang Ilocos Region. Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.