289 na opisyal ng baranggay nasa narco-list ni Duterte – PDEA

FILE PHOTO

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 289 na opisyal ng baranggay ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sa kabuaang bilang na ito, 143 ang kapitan habang 146 ang kagawad.

Iginiit ni Aquino na iba pa ang narco-list ng pangulo sa listahan na kasalukuyang binubuno ng ahensya.

Mayroong mga lokal na opisyal na nasa watchlist ng PDEA na tinatawag na National Drug Information System na wala sa listahan ng pangulo ayon kay Aquino.

Anya, inaasahan lolobo pa ang bilang ng nasa narco-list ng pangulo dahil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng PDEA sa iba pang mga opisyal ng baranggay na sangkot sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, ibinunyag naman ng opisyal na karamihan sa nasa listahan ng PDEA ay mga lokal na opisyal sa Mindanao kung saan walang ‘functional’ na Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) dahil sa laganap pa ring kaguluhan sa ilang lugar sa rehiyon.

Nauna nang nagbabala ang pangulo lalo na sa Kongreso sa maaaring magiging impluwensya ng drug money sa nalalapit na Barangay at SK elections.

Read more...