Palasyo, iginiit din na hindi nakinabang si Duterte sa sinasabing dayaan noong halalan 2016

MAY 9, 2016
Photo by: Barry Ohaylan

Iginiit ng Malacañang na hindi nakinabang si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y dayaan sa 2016 elections.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ang ibinunyag ni Sen. Tito Sotto ang umano’y maagang transmission ng log ng mga boto isang araw bago ang eleksyon noong May 9, 2016.

Wala anyang epekto ang alegasyon ni Sotto sa kasalukuyang mga halal na opisyal liban na lang umano sa nanalong bise presidente at senador na nasa 12th spot na may nakabinbin na electoral protest.

Dagdag ni Roque, dapat ay mas malaki pa ang lamang ni Pangulong Duterte sa sumunod sa kanya.

Gayunman anya ay masaya ang pangulo na halos anim na milyong boto ang lamang niya sa pumangalawa sa presidential standing.

Read more...