Ayon sa NAMFREL, kasalukuyan din silang nagsasagawa ng imbestigasyon sa lumulutang na mga iregularidad sa nagdaang halalan kahit na hindi pa isinisiwalat ni Sen. Tito Sotto ang tungkol sa naturang isyu.
Ayon kay NAMFREL Chairman Gus Lagman, wala pang indikasyon ng kahit anong dayaan.
Iginiit ng opisyal na mayroong mga miyembro ang NAMFREL na bahagi ng technical group na nakapaloob din sa mas malaki pang technical group na tumatalakay sa isyu.
Samantala, nauna na ring sinabi ni NAMFREL secretary general Eric Avila na ang imbestigasyong gagawin ng Commission on Elections ay dapat pangunahan ng mga awtoridad na may tunay na kakayahan at gawin ito sa proper forum.
Anya, sa pamamagitan ng ‘Joint Congressional Oversight Committee on the Autmated Election System’ ay maaaring matuldukan ang isyu.