Magaganap ang signing ceremony isang araw matapos himukin ng Europe at ng International Monetary Fund si US President Donald Trump na lubayan na ang posibleng pagsiklab ng trade war na nakatuon sa steel at aluminum imports.
Babawasan ng Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP) ang mga taripa sa mga bansang bubuo sa 13 percent ng global economy na may katumbas na $10 trillion.
Kahit wala ang Estados Unidos, inaasahang mapapalawig ng kasunduan ang merkado ng hanggang sa 500 milyong katao.
Dahil dito, magiging isa na ang nasabing kasunduan sa tatlong pinakamalalaking trade agreements sa buong mundo ayon sa trade statistics ng Chile at Canada.
Binago ng natitirang 11 bansa ang TPP noong Enero sa pamununo ng Japan at Canada matapos magdesisyon si Trump na lisanin ito noong nakaraang taon para maprotektahan ang mga trabaho sa US.
Dahil dito, ang TPP ay binubuo na lamang ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore at Vietnam.