Gayunman, ang malaking ipinagtataka ni Sereno ay ang hakbang ni Solicitor General Jose Calida sa pagsasampa ng quo warranto petition laban sa kaniya.
Ayon kay Sereno, dapat nilang malaman kung ano ang ‘pinaghuhugutan’ ni Calida sa ginawa nito.
Una nang sinabi ni Calida na “act of kindness” na para kay Sereno ang kaniyang ginawa dahil mas mabuting mga kasamahan niya sa Korte Suprema ang lumigwak sa kaniya sa halip na mga pulitiko.
Samantala, nagbabala naman ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Korte Suprema na posibleng magdulot ng “constitutional crisis” ang pag-konsidera sa quo warranto petition o pag-kwestyon sa kwalipikasyon ni Sereno bilang Punong Mahistrado.
Nanawagan ang limang senador na miyembro ng LP sa mga justices ng Supreme Court na magbigay galang sa Saligang Batas at hayaan na lamang na magpatuloy ang impeachment trial.
Ang mga ito ay kinabibilangan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Senators Francis Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Leila de Lima.