Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroong hindi nabayarang buwis ang Rappler, marapat lamang na managot ang mga ito sa batas.
Matatandaang idinonate na ng dayuhang kompanya na Omidyar Network ang kanilang Philippine Depository Receipts na nagkakalahaga ng 1.5 million dollars sa labing apat na Filipino managers ng Rappler.
Sinabi pa ni Roque na kapag nagkataon na siya ang nakatanggap ng 1.5 million dollars, hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa sa pagbabayad ng kaniyang buwis.
“Kung mayroon talagang hindi nabayarang buwis dapat managot at kung ako naman ay nakatanggap siguro ng ganoong kalaking halaga na 1.5 million dollars, ako mismo magbabayad na ako ng buwis,” ani Roque.