Gagawing lingguhan ng Malacañang ang pagsisiwalat ng mga anomalyang ginawa ng mga dating opisyal ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung kaya pumapalpak na ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT 3).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dalawang whistleblower na ang lumapit sa kanya at nagbigay ng testimonya.
Dagdag ni Roque, kapag natapos na ang testimonya ng dalawang whistleblower ay agad niyang ibibigay ang kopya sa National Bureau of Investigatin at Department of Justice.
Ayon kay Roque, one third sa P3.8 Billion na kontrata sa MRT 3 ang napupunta sa tinatawag na Pangasinan group, one third ang napupunta sa political machinery at one third ang natitira sa maintenance ng buong rail system.
Kasabay nito, hinimok din ni Roque si dating MRT General Manager Al Vitangcol na lumantad na at magbigay na rin ng testimonya kaugnay sa anomalya sa MRT 3.
Kasabay nito, hinimok ng Palasyo ang Ombudsman na magsagawa na rin ng parallel investigation kaugnay sa kontrobersiyal na rail system.
Una Dito ay sinabi ni Roque na inatasan na ng pangulo si Solicitor General Jose Calida na pag-aralan ang kaso sa MRT sa posibilidad na masampahan ng panibagong kasong plunder sina dating Transportation Secretaries Mar Roxas, Emilio Joseph Abaya at dating Budget Secretary Butch Abad.