NPA member patay sa barilan sa Bulacan

Inquirer file photo

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ang tropa ng militar sa Brgy. Nabaong Garlang, sa bayan ng San Ildefonso Bulacan.

Kinilala ang nasawi na si alyas Buddy na miyembro ng Timog Sierra Madre ng New People’s Army.

Ayon sa ulat ng Philippine Army, alas-8:00 kagabi, nagsasagawa ng law enforcement operations ang Northern Luzon Command kasama ang San Ildefonso Municipal Station sa nasabing lugar nang makasagupa ang armadong grupo.

Narekober sa engkwentro ang isang hand grenade, isang Cal. 38 na revolver na may 3 rounds ng ammunition, isang motorsiklo at backpack.

Wala namang naiulat na nasawi sa panig ng mililtar.

Pahayag ng NOLCOM, patuloy nilang papaigtingin ang kanilang mga operasyon para ma-neutralize ang mga rebelde nang sa gayon ay hindi na sila makapangulo.

Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga concerned agencies para maiwasan ang pagkalat ng mga NPA sa Central at Northern Luzon.

Read more...