PNP General na sabit sa iligal na sugal aarestuhin ng mga kabaro

Inquirer file photo

Aabot sa mahigit 1,500 na mga pulis kasama na ang isang opisyal na may ranggong Chief Superintendent ang nasa watchlist ng PNP Counter Intelligence Task Force.

Ayon kay Police Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng CITF, subject ng kanilang validation at monitoring ang nasa 358 police officers at 1,177 na mga Police Non-Commissioned Officers.

Anya, kumukuha lang sila ng sapat na ebidensiya at matapos nito ay agad silang magkakasa ng entrapment operation.

Samantala, sinabi naman ni Malayo na base sa text message na nakarating sa kanila ay patong umano sa iligal na sugal ang isang heneral.

Gayunman, nag-lie low na raw ito sa kanyang aktibidad kaya nahihirapan silang i-validate ang naunang ulat na kanilang natanggap.

Dagdag pa ni Malayo, posibleng naaresto na rin ng CITF ang mga tauhan ng heneral.

Sa 11 buwan na pag-o-operate, aabutan na sa 60 na mga pasaway na pulis ang nadakip ng CITF.

Ito’y bilang pagtugon na rin sa mga tawag at text na kanilang natatanggap.

Nangunguna sa mga sumbong na kanilang naitala ang pangongotong na isnundan ng droga, kidnapping, hulidap, at iba pang iligal na aktibidad.

Read more...