May kaugnayan ito sa pagkamatay ng University of Santo Tomas (UST) law freshman student na si Horacio “Atio” Castillo III.
Sa kanilang advisory, sinabi ng DOJ na laman ng kanilang isinumiteng resolusyon ang pagsasampa ng kaso sa Manila Regional Trial Court laban sa sampung fratmen kaugnay sa violation ng Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law.
Sa 46-pahinang resolusyon ng DOJ na pirmado ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva at inaprubahan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr., nakakita ito ng probable cause sa kasong isinampa ng Manila Police District labing isang suspek.
Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa anti hazing law sina Arvin Balag, John Paul Solano, Mhin Wei Chan, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munrio Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat, Robin Ramos
Ayon kay Acting Prosecutor General Catalan, ikinunsidera ng panel of prosecutor ang mga testimonya ng state witness at aegis juris member na si Mark Anthony Ventura.
Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban kina UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at sa Secretary ng UST Faculty of Civil Law na si Arthur Capili gayundin sa iba pang inireklamong miyembro ng Aegis Juris dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Magugunitang si Castillo ay namatay noong buwan ng Setyembre, 2017 makaraan umanong sumailalim sa hazing ng kanyang sinalihang Aegis Juris Fraternity sa Maynila.