Justice De Castro harapang pinatutsadahan si CJ Sereno sa pagdalo nila sa anibersaryo ng Philippine Women Judges Association

SC PIO Photo

Nabalot ng tensyon ang magkasunod na pagtayo at pagsasalita sa podium nina on leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita De Castro sa isang pagdiriwang sa Manila Hotel.

Ang dalawa ay kasama ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema ay dumalo sa 23rd annual convention seminar at 30th anniversary ng Philippine Women Judges Association (PWJA).

Nakaupo din sila sa iisang lamesa pero may tatlong nakapagitan sa kanila kabilang sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Batangas Rep. Vilma Santos at Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa kaniyang inspirational message, tinalakay ni Sereno ang impeachment complaint laban sa kaniya kung saan binanggit ng punong mahistrado na hindi siya patitinag sa mga kasinungalingan at pambubully na ibinabato sa kaniya.

Binanggit ni Sereno na ipaglalaban niya ang karapatan niyang makasagot sa Senate impeachment court.

Hindi umano kasi siya nabigyan ng pagkakataon sa kamara makaraang hindi siya payagan na i-corss examine ang mga testigo.

Matapos ang pagsasalita ni Sereno, tumayo sa podium si De Castro at nagsalita.

Aniya, humihingi siya ng paumanhin dahil ginamit pa ng punong mahistrado ang event para talakayin ang kaniyang kaso na maituturing aniyang sub judice.

Sinabi ni De Castro na ibinigay naman nila ang lahat ng respeto kay Sereno kaya hindi na nito dapat pa tinalakay sa pagdiriwang ang kaso niyang nakabinbin sa korte.

Nakangiti lang naman si Sereno sa kaniyang pwesto habang binabanggit ito ni De Castro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...