Probisyon kontra political dynasties sa aamyendahang Saligang Batas, pinag-aaralan ng Consultative Committee

Inquirer Photo / Jerome Aning

Napagkasunduan ng Consultative Committee na bumuo ng probisyon sa Saligang Batas laban sa political dynasties.

Ipinahayag ng komite na ikinukunsidera nilang pagbawalan ang miyembro ng isang pamilya na palitan o sundan ang isa pang myembro nito na isang incumbent public officials.

Posible ring ipagbawal ang mga myembro ng isang pamilya na tumakbo nang sabay sa iba’t ibang posisyon.

Plano rin ng komite na magpanukala ng mga probisyon para pagbawalan din ang mga kamag-anal nang hanggang second degree of consanguinity and affinity.

Ipinunto ng Consultative Committee ang pag-aaral na pinangunahan nina dating chief justice Renato Puno, at dating budget secretary Salvador Enriquez Jr., kung saan nadiskubreng hindi bababa sa 295 political families ang may kontrol sa iba’t ibang rehiyon.

Hindi na bago ang panukalang pagbabawal sa political dynasties. Katunayan, ipinagbabawal din Saligang Batas ng 1987 ang political dynasties ngunit kinakailangang magpasa ng Kongreso ng batas para maipatupad ito.

Naatasan ang Consultative Committee na i-review ang 1987 Constitution.

 

 

 

 

 

 

Read more...