Sa kanilang Facebook page, sinabi ng excutive producer ng Heneral Luna na si Fernando Ortigas at screenwriter-producer na si Eduardo Rocha na lubos silang nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong para matamo ng kanilang pelikula ang panibagong ‘milestone.’ “We have now officially crossed the Php 200 million mark for HENERAL LUNA! We can’t thank you all enough for making it possible for the film to reach this new milestone,” ani nina Ortigas at Rocha.
Ayon pa sa dalawa, bagaman break-even point ng Heneral Luna ay 240 million pesos, nalulugod umano sila sa matinding suporta rito ng mga Pilipino.
Ang Heneral Luna na ang ‘highest-grossing Filipino Historical film sa Pilipinas.
Ang epic film din ang official entry ng Pilipinas sa 2016 Oscars para sa Best Foreign Language Film category.
Batay sa mga producer, kakailanganin nila ng hindi bababa sa 2 million dollars para ikampanya ang Henera Luna sa Oscars.