19 patay sa air strike ng US sa Kunduz City sa Afghanistan

airstirke
Inquirer file photo

Patay ang labingsiyam katao matapos ang air strike sa Doctors Without Borders Hospital sa Kunduz City, Afghanistan.

Kabilang sa mga nasawi ang labingdalawang staff at pitong pasyente kung saan tatlo sa mga ito ay pawang mga bata habang sugatan naman ang tatlumpu’t pitong iba pa.

Sa inisyal na ulat, ang tropa ng Amerika ang responsable sa air strike.

Agad naman na humingi ng paumanhin ang Amerika sa nasabing operasyon.

Pero ayon sa pahayag ng Doctors Without Borders, malinaw na paglabag sa international humanitarial law ang ginawa ng Amerika.

Read more...