Mahigit 8,000 households sa Pasig, maaapektuhan ng water service interruption ng Manila Water

Aabot sa mahigit 8,000 households ang maaapektuhan ng water service interruption ng Manila Water sa Barangay Santolan sa Pasig City.

Ayon sa abiso ng Manila Water, pitong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga residente sa nasabing barangay.

Magsisimula ang service interruption alas 10:00 ng gabi ng Huwebes (March 8) hanggang alas 5:00 ng umaga bukas araw ng Biyernes (March 9).

Pinayuhan na ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-ipon ng kanilang kakailanganing tubig.

Ayon sa Manila Water ang kanilang pipe maintenance sa bahagi ng Evangelista Street kanto ng Amang Rodriguez ang dahilan ng interruption.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...