Apat kabilang ang tatlong miyembro ng isang pamilya, sugatan sa knife attack sa Vienna, Austria

Sugatan ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa knife attack na naganap malapit sa subway station sa Vienna, Austria.

Ang nasugatan ay ang mag-asawa at kanilang anak na babae na dinala sa pagamutan.

Maliban sa kanila, mayroon pang isang nasugatan din sa insidente.

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang nag-iisang suspek na ayon sa mga otoridad ay bigla na lamang inatake ang mga naglalagad malapit sa Prater Park.

Dahil sa nasabing insidente nagpatupad ng lockdown sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng suspek sa ginawang pananaksak.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...