Si Cruz ang salarin sa pagkakasawi ng 17 katao na karamihan ay mga estudyante at ikinasugat ng 16 sa tila ay Valentine’s massacre sa Marjory Stoneman Douglas High School.
Sakaling mahatulang guilty ay maaaring mapatawan ng parusang kamatayan si Cruz.
Ayon sa tagapagtanggol ni Cruz, maghahain ang suspek ng guilty plea sakaling ialis sa mga opsyon ang death penalty.
Gayunman, hindi pa nagdedesisyon ang Broward County State attorney tungkol sa parusang kamatayan.
Samantala, inihahanda na rin ang mga subpoena kaugnay sa imbestigasyon sa naging pagresponde ng mga pulis sa mass shooting.
Matatandaang ipinag-utos ni Florida Gov. Rick Scott ang imbestigasyon matapos ang public outcry na maaaring naiwasan ang insidente kung naging mabilis lamang ang pag-aksyon ng mga awtoridad.
Ilan sa mga mambabatas ang nanawagan na suspendihin si Broward County Sheriff Scott Israel bunsod ng insidente.