Ito ay matapos ipahayag ng PAGASA na makararanas ang Pilipinas ng mas mahahabang araw dahil sa tinatawag na vernal equinox.
Ang vernal equinox o spring equinox ay isang taunang celestial phenomenon kung saan ang araw ay direktang sumisikat sa equator.
Dahil dito, may kaparehong haba ang araw at gabi sa kaparehong latitude sa magkabilang hemispheres ng mundo.
Ayon sa PAGASA ang vernal equinox ay hudyat na ng pagsisimula ng spring sa northern hemisphere na kinabibilangan ng Pilipinas habang autumn naman sa southern hemisphere.
Kadalasang mas maagang sumisikat ang araw sa panahon ng vernal equinox.
Mayroong dalawang equinox sa kabuuan ng taon, bukod sa vernal exquinox ay mayroon ding autumnal equinox na kadalasang nagaganap sa buwan ng Setyembre.