Reaksyon ito ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa ibinunyag ni Sen. Tito Sotto na umano’y iregularidad sa automated balloting system.
Ayon kay Guanzon, nais nilang malaman at makumpirma ang detalye ng naturang isyu para maimbestigahan ang mga tauhan ng COMELEC.
Mahalaga anya na patas, tapat at credible ang halalan kaya kung may taong guilty ay dapat na makulong.
Dagdag ni Guanzon, napag-usapan sa COMELEC en banc ang expose ni Sotto at iimbestigahan nila ito.
MOST READ
LATEST STORIES