Senators Legarda, Pacquiao at anim na kongresista nakalusot sa CA bilang mga reserve officer ng AFP

Inquirer.net photo |Ryan Leagogo

Nakalusot sa Commission on Appointments (CA) ang nominasyon para sa pagiging full-pledged colonels nina Senators Loren Legada at Manny Pacquiao.

Kasama ding sumalang sa CA at nakalusot ang nominasyon bilang mga reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sina House Speaker Pantaleon Alvalrez, House Majority Leader Rudy Fariñas, Deputy House Speaker Gwendolyn Garcia, Cavite 5th District Rep. Roy Loyola, Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema at Pangasinan 6th District Rep. Marlyn Primicias-Agabas.

Ang mga nabanggit na mambabatas ay pawang officer-reservists sa AFP, sina Pacquiao, Alvarez at Fariñas ay sa Philippine Army, habang sa Philippine Air Force (PAF) naman si Legarda.

Sumalang sila sa CA – Committee on National Defense na pinamumunuan ni Sen. Gringo Honasan.

Nitong Disyembre nang ianunsiyo ng AFP na maari nang mabigyan ng promosyon sina Legarda at Pacquiao nang matapos nila ang kurso sa Command General and Staff College.

Hindi naman naisalang si Davao Rep. Joel Almario dahil hindi naihabol ng Philippine Air Force ang mga papeles para sa suportahan ang kanyang nomination for promotion.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...