Grupo ng mga disaster survivor lumusob sa tanggapan ng DepEd

Radyo Inquirer File Photo

Lumusob sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Quezon City ang isang grupo na binubuo ng mga disaster survivor sa bansa.

Kinalampag ng grupong “People’s Surge” ang DepEd at kinondena ang anila ay pagkakaroon ng “militarisasyon” sa mga paaralan sa lalawigan ng Samar.

Bitbit ng grupo ang mga placard at streamer at ilang ulit na inuga-uga ang gate ng DepEd.

Ang People’s Surge ay alyansa ng disaster survivors sa Pilipinas na nakabase sa Eastern Visayas at karamihan sa miyembro nito ay biktima ng bagyong Yolanda.

Ito rin ang parehong grupo na sumugod noon sa Times Street sa Quezon City at pinagbabato ng putik ang tahanan ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...