Ayon sa abiso ng Maynilad, alas 2:55 ng madaling araw nang mabuksan ang valve sa Kabihasnan at nagsimula ring mag-operate ang kanilang pumping station sa PAGCOR City.
Naumpisahan na rin ang pagdaloy ng tubig sa kanilang primary line sa coastal road kaya alas 8:00 ng umaga ay nagbalik na ang water supply sa mga naapektuhang costumer sa Cavite at Las Piñas.
Muli namang humingi ng paumanhin ang Maynilad sa mga residenteng naapektuhan ng water interruption na inabot ng halos 24 na pras.
Kaugnay nito, hindi na rin muna itinuloy ng Maynilad ang nakatakda sana nilang water service interruption ngayong araw hanggang bukas na makaaapekto sa ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor, Cavite City, Imus city, Kawit, Noveleta at Rosario.
Ito ay bilang konsiderasyon sa mga costumers na matagal na nakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig dahil sa emergency leak sa Coastal Road.
Iaanunsyo ng Maynilad kung kailan na lamang gagawin ang water service interruption.