Economic adviser ni Trump nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw sa pwesto si White House economic adviser Gary Cohn.

Si Cohn na dating banker sa Wall Street ay malaki ang naging papel sa 2017 tax overhaul ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Cohn na malaking karangalan na mapagsilbihan niya ang bansa.

Pinasalamatan din ni Cohn si Trump na sa oportunidad na ibinigay sa kaniya.

Ang resignation ni Cohn ay kasunod ng pahayag ni Trump na magpapatupad siya ng malaking tax tariffs sa steel at aluminum imports.

Tutol naman si Chon sa nasabing polisiya.

Si Cohn ay dating presidente at chief operating officer ng investment bank na Goldman Sachs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...