Yaya Dub at Lola Nidora, guest speakers sa Catholic Social Media Summit

yaya dub lola
Inquirer file photo

Inaasahang magiging guest speakers sina Maine Mendoza o Yaya Dub at Wally Bayola o Lola Nidora sa Catholic Social Media Summit 2015 na gaganapin sa October 10 at 11 sa Sta. Rosa City Hall Auditorium Building A, Sta. Rosa, Laguna.

Batay sa ulat sa website ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP, ang Catholic Social Media Summit ay dadaluhan ng iba’t ibang social media communicators, bloggers, photographers at writers mula sa buong bansa.

Ang guesting ni Mendoza sa summit ay sinasabing ‘first public appearance’ nito mula noong maging instant celebrity dahil sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga.

Kabilang naman sa tatalakayin sa summit ay ang paglalaganap ng ‘Gospel’ sa pamamagitan ng social media.

Si Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle naman ang keynote speaker sa summit, na organized ng YouthPinoy sa pakikipag-tulungan ng Diocese of San Pablo.

Nauna nang pinuri ng mga opisyal ng Simbahang Katolika ang Kalyeserye na pinagbibidahan nina Yaya Dub at Alden Richards dahil sa pagbabahagi nito ng mga traditional Filipino values, lalo na pagdating sa pag-ibig at pakikipag-relasyon.

Read more...