Cebu Pacific, nag-abiso ng delayed at cancelled flights

cebu-pac1231
Inquirer file photo

Inabisuhang muli ng Cebu Pacific o CebuPac ang kanilang mga pasahero na mayroon pa ring mga delay at cancelled flights ngayong Linggo at sa mga darating na araw.

Ito’y kahit pa “fully functional” o natapos na ang system upgrade ng kumpanya.

Ayon sa CebuPac, humihingi sila ng paumanhin sa mga pasahero nila na ma-aaberya ng mga delayed at cancelled flights.

Pero paliwanag ng CebuPac, ang system upgrade ay layong mas ma-improve ang kanilang serbisyo.

Pinayuhan naman ng low-cost carrier ang mga pasahero na hintayin ang update ukol sa kani-kanilang mga flight.

Noong October 1, sinimulan ng CebuPac ang system upgrade, gayunman, nagdulot ito ng kabi-kabilang delayed at kanseladong flights na ikinainis ng libo-libong mga pasahero.

Read more...