Speaker Pantaleon Alvarez, malabong mapatalsik bilang pinuno ng Kamara – Malacañang

Kumpiyansa ang palasyo ng Malakanyang na malabong mapatalsik sa puwesto si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito ay kahit nakabangga kamakailan ni alvarez ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara duterte Dahil sa pahayag ng speaker na maituturing na umanong oposisyon si Mayor Sara dahil sa pag-anib nito sa bagong political party na ‘Hugpong ng Pagbabago’.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, buo pa rin kasi ang tiwala ng pangulo kay Alvarez.

Bukod dito, sinabi ni Toque na si Alvarez ang pinaka-loyal at trusted na kaalyado sa Kamara.

Sinabi pa ni Roque na wishful thinking o nangangarap lamang ang sinuman na magtatakang umagaw sa puwesto ni Alvarez.

Read more...