Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit sino pa man ang mag take-over sa iniwang puwesto ni ISIS emir Isnilon Hapilon, tiyak na pupulbusin ito ng gobyerno.
Matatandang napatay si Hapilon sa Marawi City noong Oktubre matapos ang ilang buwang giyera roon.
Kumpiyansa si Roque na mapagtatagumpayan ng gobyerno ang paglaban kontra sa terorismo dahil sa ibinibigay na intelligence information mula sa ibang bansa.
Una rito, sinabi ni Philippine Army 1st Infantry Division Spokesman Major Ronald Suscano na isang Abu Dar ang bagong Emir ngayon ng ISIS sa Southeast Asia.
Si Abu Dhar ay dati umanong sub-leader ni Hapilon.