P26M Lotto 6/42 jackpot nasungkit na

Napanalunan ng nag-iisang mananaya ang P26,070,597 jackpot ng Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga winning numbers para sa Martes gabi para sa 6/45 jackpot ay 05-39-37-30-04-23.

Hindi pa inilalabas ng PCSO kung saang lugar nanggaling ang nag-iisang panalo para sa 6/42 Lotto.

Samantala, nananatiling up-for-grabs ang jackpot ng Superlotto 6/49 na nagkakahalaga ng P62,184,570. Wala pa ring nananalo para sa Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga naman ng P49,500,000.

Read more...